Tag: filipino

Code Red Para sa mga Mamamayan ng Mundo

TORONTO – Nung Mayo nitong taon na ito, maraming mga manok at mga isda ang nangamatay sa Dagupan, Philippines, dahil sa tinding init na umabot sa 52 Celsius. Nitong tag araw sa Canada, ang baryong Lytton sa BC, ay uminit nang matindi na umabot ng 49.4 Celsius, tapos nasunog  ito sa sumunod na araw. Nung 2018, dalawang kamaganak ko ang bumiyahe sa San Francisco para makipagkita sa mga pinsan na dumadalaw galing sa Pilipinas. Nang pababa na ang eroplano nila, kitang kita nila ang mga sunog sa California. Paglabas nila sa hantungan, puro usok ang naamoy nila at nangailangan silang magsuot ng maskara. Nung huling araw nila sa SFO, yung mga cable cars na likas na San Franciscan ay hindi pinahintulutan na umandar dahil sa alikabok at mababang aninag sa dadaanan ng mga ito.  (more…)

Kanseladong Pagdiriwang – Toronto Mawawalan na naman nang halagang $8.35 Billion


TORONTO – Sa kasalukuyan sa isang lugar, mayroon 18,000 sukat na talampakan na bodega, mayroon mga tapetang pang lamesa at 5,000 silya napupuno nang alikabok at naluluma. Kung mayroon kang isang okassion, kailagan mo nang sibleta, kutsara’t tinidor, lugar para sa mga tao para upuan. Mga maliit na bagay bagay na marahil di natin binibigyan nang pansin dati rati. Ito’y maga bagay na bumubuo sa isang okassion nang isang industria na malapit nang mag wakas dulot, nang Kobid-19.  (more…)

Ang Panganib ng Opioid Habang May Pandemya

Bago mag pandemya, may nakausap akong kaibigan na nagtatrabaho sa Eaton Centre. Pagka ang shift niya ay bago magsara ang tindahan na pinapasukan niya, nakakatagpo siya paglabas niya sa mall ng mga tao kakaiba ang kilos, na alam niya na may ininom o ininiksiyon sa katawan. Sabi niya, hindi siya nagaalala sa mga taong nakatira sa kalye. Ang inaalala niya ay mga “druggies” dahil nangmomolestiya sa mga hindi kakilala at sa pamamaraang hindi kanaisnais. (more…)