Tindahan na Paupahan sa Kalye na Pinamimilhan ng mga Mayayaman

Meron 17 na tindahan ang nagsara sa Bloor, 8 nito ay may karatulang “Prime Retail for Lease” sa mga dingding nito. Ang nabanggit na kalye ay lugar na mamahalin na tindahan katulad ng Louis Vuitton at Hermes. Mula nang tumungtong ako sa bayan na ito nung 1974, hindi ko pa maalala kung kailangan ganito karami ang nagsarang tindahan ng mga damit. Pero nalulungkot ako sa pagkawala ng Gap sa kanto ng Bay at Bloor kasi doon ako namimili ng mga bagong polo shirt ko at mga pan-regalo ko pag pasko. (more…)