Skip to content
Canadian National Multimedia Newsgroup Canadian National Multimedia Newsgroup
  • Home
  • About Us
    • Privacy Policy
  • Your Preferences
    • Editorials
    • Gastronomy
    • Health & Medicine
    • Interviews
    • Community
    • News Updates
    • Opinion
    • Podcasts & Videos
    • Politics
    • Show Biz
    • Sport
  • Contact Us
Canadian National Multimedia Newsgroup
Canadian National Multimedia Newsgroup

New York, New York, Tag Araw ng 2021

Ricky Castellvi, August 19, 2021August 25, 2023

Ito ang makikita sa Times Square ngayon: New York Now. Nung nakaraang taon, matumal ang ang mga taong nagtitipontipon sa Times Square dahil sa pandemya: New York A Year Ago. Pero ngayon, bumabalik na ang sigla sa lugar na ito. 

Nung nakaraang buwan ng Hunyo, nagkaroon ng isang konsyerto at pasayaw sa Times Square para sa Art Education. Pakalipas ng dalawang araw, inanunsyo ng New York Times ang “Official NYC Homecoming Concert in Central Park” na gaganapin sa August 21, 2021, sa pamamahala ng isang kilalalang musikero na si Clive Davis. Itong konsyerto ito ay umaaasa na pupuntahan ng 60,000 na katao na manood at nakakalat sa damuhan ng parke. Sabay  dito ang pagbukas ng Broadway sa September 14, 2021. Mga tikets ay bumibenta nang mabilisan.

Sa pagsulat nito, may mga 44.9 % na New Yorkers na ang nabakunahan ng dalawang doses. Hindi na kailangang magmaskara sa pampublikong lugar. Sa isang Torontonian na sumusunod parati sa mga Covid protokol, nakakagayuma ang mga nabanggit na mga aktibidad na gaganapin sa New York. Kung puwede lang ay bumisita sa siyudad na iyon tulad nang dati bago magpandemya. Ang Porter Airlines na pinakamadaling sakyan para sa mga Torontonians ay bumalik sa paglipad nung July 20, 2021.

Isa sa mga paghihimok nila ay ang pasahe na $316.96 na balikan sa NYC para sa isang pasahero kung babiyehe ng August 14 at babalik ng August 22. At puwedeng manatili sa Sheraton New York Hotel habang nandoon na ang babayaran lang ay $200.47 Canadian. Kung ikaw ay mahilig na manood ng Broadway musikal tulad ng Hamilton sa September 30 na bumibenta ng $421.37 Canadian o $542.10 Canadian pa rin, o ng Wicked na ipapalabas sa September 14 sa presyong $827.27 hanggang $864.71 Canadian o Chicago na ipapalabas sa September 26 sa presyong $71.86 hanggang $240.35 Canadian, ito na ang pagkakataon mo. Mga fans ng Harry Potter and the Cursed Child ay maghihintay sa pagbenta ng mga tiket nito samantalang ang Lion King ay sarado na ang pagbebenta ng mga tiket sa pagbubukas ng musikal na ito sa September 14. Kung maghihintay ang sunod na bentahan ng tiket at gusto ang presyong $90.60 hanggang $240.38, e di mabuti.

Ang NYC pagbisita kasama na ang panonood sa Broadway musikal at Central Park konsyerto ay nangangahulugan ng malaking gastusan pero kung nagtrabaho ka sa bahay nitong nakaraang 17 na buwan, malamang nakaipon ka ng malaking halaga na maaaring itustos sa isang karapat-dapat na paglilibang sa isang siyudad na dating punung puno ng buhay at bumabalik sa pamamagitan ng Broadway at Central Park.

Ika nga ni Frank Sinatra sa kanta niya, “luck be a lady tonight”. 

Filipino News Updates World News 2021arawfilipinonewnewstagupdatesworldyork

Post navigation

Previous post
Next post

Related Posts

Arts & Culture

CORRIERE CANADESE / How the Bank of Italy Helped Early Hollywood

January 13, 2026

…

Read More

GTA, Italocanadesi essenziali per le soluzioni

September 19, 2022August 25, 2023

…

Read More

Doug Ford in corsa per formare governo di maggioranza

April 12, 2022August 25, 2023

…

Read More

Latest Articles

  • CORRIERE CANADESE / Trump minaccia tariffe aggiuntive August 25, 2026
  • CORRIERE CANADESE / School Boards under the spotlight: budgets and transparency August 25, 2026
  • CORRIERE CANADESE / Riflettori sui Provveditorati fra bilanci e trasparenza August 25, 2026
  • CORRIERE CANADESE / Braccio di ferro Canada-Usa Guerra dei dazi, è escalation August 24, 2026
  • CORRIERE CANADESE / Italfest returns to Mississauga with Italian culture, tradition and community celebration August 24, 2026

Search Articles by Date

August 2026
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
« Jul    

Our Sponsors

Lido Construction Pascale_Di_Poce
©2026 Canadian National Multimedia Newsgroup | WordPress Theme by SuperbThemes