Skip to content
Canadian National Multimedia Newsgroup Canadian National Multimedia Newsgroup
  • Home
  • About Us
    • Privacy Policy
  • Your Preferences
    • Editorials
    • Gastronomy
    • Health & Medicine
    • Interviews
    • Community
    • News Updates
    • Opinion
    • Podcasts & Videos
    • Politics
    • Show Biz
    • Sport
  • Contact Us
Canadian National Multimedia Newsgroup
Canadian National Multimedia Newsgroup

Pride 2021 sa Toronto

Ricky Castellvi, June 11, 2021August 25, 2023

Pag ikaw napadapo sa Church Street ng Toronto, mapupuna mo ang sulatan na Church-Wellesley Village na nasa ibabaw ng pangalan ng kalye na may kulay na bahaghari ng LGBTQ2+.

LGBTQ2+ ay para sa lesbiana, bakla, silahis, queer at bayot. Sa Toronto, Hunyo ang buwan ng PRIDE. Ito ang pangalawang taon na walang selebrasyon ang PRIDE at nabibilang na dito ang parade ng mga bayot, lesbiana, at ng mga bakla na sinasalihan ng mga nakatataas ng katungkulan sa gobyerno pati na si Prime Minister Justin Trudeau. Patapos na ang Ontario sa pangatlong alon ng Covid 19 kaya nagiingat ito na hindi umusbong ang pangapat na alon. Noong nakaraan, ang parada ng mga bakla ay parating masaya at dinudumog. Sa katapusan ng Hunyo, sinasara ang Church Street simula ng biyernes hanggang lingong hatinggabi. Sa bisperas ng parada ng mga bakla, maraming palabas sa mga entablado na itinayo para sa PRIDE at parati akong nanood. Minsan pa, naulanan ako.

Hindi parating ganito kasaya ang PRIDE. Sa nakaraan, mga protesta at kaguluhan. Nung 1971, may mga 100 katao ang pumunta sa Parliament Hill at sa gitna ng ulan, inabot nila ang listahan ng mga karapatan at proteksyon na hinihingi nila. Nung dumating ako sa Canada at nanirahan ako sa Toronto, nagumpisa ang PRIDE sa siyudad. Nung 1978, ang pagbabawal sa pagdayo  ng mga kababaklaan sa Canada ay inalis. At nung 1990, inalis ng World Health Organization ang homosexualidad sa listahan ng mga sakit.  Ang Toronto oficiales nung 1991 ay inendorso ang “Lesbian and Gay Pride Day”.

Labindalawang taon ang nakalipas bago ang Ontario ang unang probinsiya na nagbigay ng lisensiya sa pagkasal ng parehong sex na tao. Sa sumunod na dalawang taon, BC, Manitoba, Nova Scotia, Saskatchewan, Newfoundland, Quebec, Yukon at New Brunswick ay nagbigay din ng naturingang lisensiya. 

Ang lugar mga bakla ay nasa distrito ng Toronto Centre. Sa kasalukuyan, mayroong lesbiana na  konsehal na representante ang distrito na Ito. Ang pinalitan niya ay baklang konsehal. Sa Ottawa, nagkaroon ng baklang representante ng distrito. Ang nakaraang alkalde ng Toronto ay lesbiana. Mga miembro ng LGBTQ2+ ay masusugid na mangampanya pagka botohan. Tumatayo sika sa entrada ng mga estasyon ng subway at nag-aabot ng mga sulatin na nauukol sa mga kandidato na sinusuportahan nila. Minsan, sinasamahan ko ang kandidato at kasali akong nagaabot sa kapwa ko Filipino. Kahit hindi ako bakla, gusto ko ang mga baklang kakilala ko. Magaling silang magtrabaho at riniresoeto ko sila. At tuwing parada ng PRIDE, umaangkas ako sa float nila at winawagayway ko ang bandera nila.

Mga larawan: street sign along Church Street, Karatula sa kalye ng Church street (photo CNMNG)
 
Canada Filipino GTA News Updates 2021canadá”filipinogtanewspridetoronto.updates

Post navigation

Previous post
Next post

Related Posts

Lanciata dai genitori una raccolta fondi per il Sick Kids in memoria di Jax e Anaya

May 21, 2021August 25, 2023

…

Read More
Arts & Culture

CORRIERE CANADESE / James Franco Soars in Italian Film

October 31, 2025

…

Read More
Canada

CORRIERE CANADESE / Estate rovente tra incendi, fumo e caldo

August 12, 2025

…

Read More

Latest Articles

  • CORRIERE CANADESE / Incendi, a Toronto l’aria peggiore al mondo. Più di cento i roghi attivi in Ontario July 15, 2026
  • Incendies de forêt : Toronto enregistre la pire qualité de l’air au monde July 15, 2026
  • Wildfires: Toronto records the worst air quality in the world July 15, 2026
  • CORRIERE CANADESE / Il taccuino mundial del Corriere – Dal Leone di Wembley alla Manos de Dios va di nuovo in scena la sfida infinita July 15, 2026
  • CORRIERE CANADESE / Portrait of an Italian Physicist, Gianotti July 15, 2026

Search Articles by Date

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
« Jun    

Our Sponsors

Lido Construction Pascale_Di_Poce
©2026 Canadian National Multimedia Newsgroup | WordPress Theme by SuperbThemes